Pagkontra sa pagsasa-pribado sa Philippine Orthopedic Center ibinasura ng Korte Suprema
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na kumokontra sa pagsasa-pribado ng Philippine Orthopedic Center sa Quezon City.
Ang pagbasura ay bunga ng pagbawi noong 2015 ng consortium na nanalo sa bidding para sa privatization.
Noong 2014, naghain ng petisyon ang mga mahihirap na pasyente ng POC, gayundin ng mga doctor at nurse at may ilan din mambabatas, para kontrahin ang pagpasa sa pribadong negosyante ang operasyon ng ospital.
Katuwiran ng mga petisyoner, mapapagkaitan ng serbisyong medikal ang mga mahihirap na pasyente kapag pribado na ang naturang pagamutan at giit nila ito ay paglabag sa karapatang-pangkalusugan na ginagarantiyahan sa Saligang Batas.
Sa naging kasunduan ng gobyerno at Megawide Construction ay Build-Operate-Transfer.
Ngunit makalipas ang isang taon, umatras na ang Megawide at sinabi na ipinawalang bisa na ang pakikipagkasundo nila sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.