Mabagal na internet problema sa ginawang transmission test ng Comelec
Maliban sa mabagal na internet connection, walang nakitang problema ang Commission on Elections sa kanilang ginawang transmission test at mock elections na sinimulan kaninang umaga hanggang ngayong hapon.
Pumili ang Comelec ng ilang mga presinto na siyang pinagdausan ng transmission test.
Kabilang dito ang Taguig City, Pateros, 1st District ng Quezon City, 5th district sa Maynila, Digos at Bansalan sa Davao del Sur, Iriga City at Buhi sa Camarines Sur at Alburque at Cortes sa lalawigan ng Bohol.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na masusundan pa sa mga susunod na araw ang nasabing transmission test para matiyak na magiging maayos ang buong sistema na gagamitin sa May 9 elections.
Tiniyak din ng opisyal na mayroon silang mga inihandang contingency plan kabilang na dito ang mga sim cards na gagamitin at broadband kits para sa mga linya sa interney connections.
Ang lahat ng mga impormasyon na ipinadala ng mga ginamit na vote-counting machines sa mock elections ay tinanggap ng server na matatagpuan sa Comelec warehouse sa Sta. Rosa Laguna.
Ang nasabing mock elections at transmission test ay nagsimula alas-siyete ng umaga kanina at natapos naman ganap na alas-singko ngayong hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.