Namatay na sundalo sa C-130 plane crash nadagdagan pa

(Palace photo)

Limamput-dalawa na ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 Hercules transport plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.

Kagabi ibinahagi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dalawa para sa mga kritikal na sundalo ang binawian na ng buhay.

Bunga nito, 49 sundalo na ang nasawi sa ikinukunsiderang ‘worst military air disaster’ sa bansa  sa nakalipas na halos tatlong dekada.

May tatlong sibilyan ang nasawi din sa trahedya ngunit sila ay nasa Barangay Bangkal nang bumagsak ang eroplano.

Base sa manipesto, may 96 na pasahero ang eroplano at karamihan sa kanila ay mga bagong sundalo na katatapos lang magsanay at nakatakda sanang isabak sa kanilang unang misyon.

Nagtungo kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte, Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa Zamboanga City para magbigay respeto sa mga nasawi.

Read more...