Bagyong Emong palabas na ng bansa, isa pang LPA namataan sa Palawan
Napanatili ng Bagyong Emong ang lakas habang palabas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo mamayang alas 2:00 ng hapon, July 6.
Huling namataan ang bagyo sa 165 kilometers east ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kilometers per hour.
Kapag nakalabas ng bansa, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bandang China.
Samantala, isa pang low pressure area ang namataan ng Pagasa sa 535 kilometers northwest ng Pagasa Island, Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.