Black box ng bumagsak na C-130 sa Sulu natagpuan na

By Chona Yu July 06, 2021 - 08:16 AM

 

(Reuters)

Natagpuan na ang black box ng nag-crash na C-130 sa Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief of staff Cirilito Sobejana, bandang 11:00 ng umaga kahapon July 5 nang matagpuan ang black box.

Umaasa si Sobejana na ang black box ang magbibigay linaw sa nangyaring trahedya.

Sa ngayon, hawak na aniya ng mmga imbestigador ang black box.

Sinusuri at pinagiginggan na aniya ng mga imbestigador ang black box para malaman kung ano ang naging huling pag-uusap ng mga piloto at mga crew bago ang aksidente.

Ang black box ang nag-rerecord sa usapan ng mga piloto at mga crew.

Matatandaang 52 na mga sundalo ang nasawi sa pag-crash ng C-130.

TAGS: AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana, black box, C 130, Sulu, AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana, black box, C 130, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.