Seguridad sa huling presidential debate plantsado na

By Den Macaranas April 23, 2016 - 03:48 PM

Debate KBP
Inquirer file photo

Sinabi ng Malacañang na tiyak na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ay manonood sa huling presidential debate na gaganapin bukas sa Dagupan City sa Pangasinan.

Hinikaya’t din ng Palasyo ang publiko na panoorin ang nasabing debate para mas higit na mabigyan ng linaw ang kanilang pag-iisip sa pagpili ng tamang kandidato.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma Jr. na umaasa ang Malacañang na magiging issue-based at hindi magiging daan para sa personal na siraan ang debate bukas.

Sa panig naman ng Philippine National Police, tiniyak ni PNP Chief Ricardo Marquez na sapat ang bilang ng kanilang mga tauhan na magbabantay sa kaayusan ng debate.

Bukod sa mga tauhan ng Pulisya, sinabi ni Marquez na nagpadala na rin ng dagdag na tao ang Armed Forces of the Philippines sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinayuhan naman ng Pagasa ang mga taga-suporta ng mga pulitiko na dadalo sa huling debate na magsuot ng kumportableng damit at umiwas sa direktang sikat ng araw dahil posibleng umabot sa 40 degrees celcius ang heat index sa Dagupan City bukas.

TAGS: comelec, dagupan city, Malakanyang, Presidential debate, comelec, dagupan city, Malakanyang, Presidential debate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.