Dating Sen. Trillanes tinawag na ‘Mr. Fake News’ ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio July 05, 2021 - 09:58 PM

Tinawag na panis ni Senator Christopher Go ang mga bintang sa kanila ni Pangulong Duterte ni dating Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Go, noon pang 2018 noong senador pa si Trillanes ay hinamon na niya ito na sampahan na siya ng mga kaso kaugnay sa sinasabing pakinabang niya sa mga proyekto sa Davao City.

Pagdidiin ng senador malinis ang kanyang konsensiya at hindi niya uurungan si Trillanes.

Dagdag pa nito, sa ibang tao ay nakakapagbigay siya ng tulong ngunit ang kanyang mga kaanak at hindi makalapit sa kanya para gamitin ang kanyang impluwensiya.

Ipinagtataka din ni Go ang paggiit ni Trillanes na pandarambong ang ginagawa nil ani Pangulong Duterte gayung may mga abogado ang dating senador na maaring bigyan linaw ang kanyang pag-iisip.

Aniya sa halip na tumulong ay nilalason pa ng dating senador ang isipan ng taumbayan  at dahil papalapit ang eleksyon ay nire-recycle nito ang mga isyu.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.