Platform monitors sa MRT-3 stations, napalitan na

By Angellic Jordan July 05, 2021 - 09:44 PM

DOTr MRT-3 photo

Naikabit na ang mga bagong platform monitor sa lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa 13 istasyon, may kabuuang bilang na 30 platform monitors na inilagay sa parehong bounds (north at southbound) ng mga istasyon.

May kinabit na anim na units sa Shaw Boulevard station habang tig-dalawa naman sa 12 pang istasyon: North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao station, Santolan, Ortigas, Boni, Guadalupe, Buendia, Ayala, Magallanes, at Taft.

Nagagamit ang platform monitors para ligtas na mapasakay sa wastong kapasidad ang mga pasahero.

Maliban dito, nakatutulong din ito sa train drivers upang malaman kung nasa loob na ng tren ang lahat ng pasahero at ligtas nang patakbuhin.

Sa ngayon, nasa 30 porsyento ang passenger capacity ng nasabing linya ng tren.

TAGS: Inquirer News, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news, Inquirer News, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.