#EmongPH, dumaan na malapit sa Batan at Sabtang Islands

By Angellic Jordan July 05, 2021 - 08:30 PM

Dumaan na ang Tropical Depression Emong sa Batan at Sabtang Islands.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 kilometers Kanluran ng Basco, Batanes dakong 7:00 ng gabi.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 50 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa:
– Batanes
– Northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands

Sinabi ng PAGASA na magdadala pa rin ang Bagyong Emong ng katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay intense rains sa Batanes at Babuyan Islands.

Maari itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Inaasahang patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran o Kanluran Hilagang-Kanluran sa susunod na 12 oras.

Sinabi pa ng PAGASA na maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Lunes ng gabi o Martes ng madaling-araw (July 6) at tatahakin ang Guangdong Province, China.

Posible pa ring lumakas ang bagyo at maging tropical storm sa susunod na 12 oras.

TAGS: Bagyong Emong, EmongPH, Inquirer News, Pagasa, PAGASA update, Radyo Inquirer news, weather update July 5, Bagyong Emong, EmongPH, Inquirer News, Pagasa, PAGASA update, Radyo Inquirer news, weather update July 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.