Bilang ng active COVID-19 variant cases sa bansa, nasa 20

Umabot na sa 7,878 COVID-19-positive samples ang dumaan sa sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) at UP National Institutes Of Health (UP-NIH).

Mula sa nasabing samples, 2,790 ang naitala ang kabuuang variant cases base sa datos ng PGC Biosurveillance Report hanggang July 4.

Nasa 20 variant cases naman ang nananatiling aktibo.

Sa nasabing bilang, pito ang aktibong Alpha variant o B.1.1.7 (unang na-detect sa United Kingdom), 12 sa Beta o B.1.351 (unang na-detect sa South Africa), at isa sa P.3 (unang na-detect sa Philippines).

Muling binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na maiiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa pamamagitan ng istriktong pagpapatupad ng border control at quarantine protocols, pagsunod sa minimum public health standards, tuluy-tuloy na implementasyon ng PDITR strategies ng mga LGU, at ang pagbabakuna.

Hinikayat din ng kagawaran ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Read more...