Pangulong Duterte, binisita ang mga nasawi at sugatang sundalo sa bumagsak na military plane sa Sulu

Photo grab from PCOO Facebook video

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City upang personal na magbigay-pugay sa mga nasawi at nasugatang sundalo sa bumagsak na military plane sa Sulu.

Nangyari ang pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul Village sa Jolo, Sulu noong July 4.

Unang pinuntahan ng Punong Ehekutibo ang Camp Navarro General Hospital (CNGH) upang igawad ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan sa mga sugatang sundalo.

Pagkatapos nito, nagtungo ang Pangulo sa Naval Forces for Western Mindanao (NAVFORWEM) at pinangunahan ang paggagawad ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag sa mga nasawing sundalo.

Nakiramay ang Pangulo sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

“I commiserate with you, I am as sorrowful as you… A life of a soldier is always valuable. Whether in the fields of fighting or events such as these,” pahayag ni Duterte.

Dagdag nito, “They died for our country and for that I am very grateful to those who died and those who suffered.”

Nangako naman ang Pangulo na iaabot ng gobyerno ang lahat ng kakailanganing tulong.

Sinabi rin ng Pangulo na sa kaniyang administrasyon, magdadagdag ng benepisyo para sa pamilya ng mga military personnel.

Read more...