PNP Medical Reservce Force, pinatutulong sa sitwasyon ng COVID-19 sa Batangas

By Angellic Jordan July 05, 2021 - 07:04 PM

PNP photo

Nagbaba ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa mga tauhan ng Medical Reserve Force (MRF) na umasiste sa sitwasyon ng COVID-19 sa Batangas kasunod ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal Volcano.

Sinabi ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na puno na ang mga ospital sa naturang probinsya ng mga pasyenteng apektado ng COVID-19, kabilang ang mga indibiduwal na may comorbidities.

“Doble ang trahedya na kinakaharap ng ating mga kababayan sa Batangas at ako ay humahanga sa katatagan na ipinapakita nila at ng kanilang LGUs sa pagtugon dito gaya ng nakita ko sa pagbisita ko kahapon,” pahayag ni Eleazar.

Binisita ng hepe ng pambansang pulisya ang ilang evacuation centers sa munisipalidad ng Laurel at Agoncillo upang tignan ang kondisyon ng mga bakwit at i-assess ang seguridad at iba pang pangangailangan.

“Subalit gaano man katatag ay maaring bumigay din kung hindi natin tutukuran ng suporta. That is why I ordered our Medical Reserve Force to be ready for possible deployment to Batangas to assist in attending to the medical needs of the evacuees,” ani Eleazar.

Dagdag nito, “Sa ngayon ay nangangalap din kami ng tulong na maipapaabot sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano at makakaasa ang ating mga kababayan doon ng ating patuloy na suporta sa mga sususunod na araw at habang wala pang katiyakan ang sitwasyon doon.”

Tiniyak ng PNP Chief na handa ang mga pulis na siguraduhing naipapatupad ang minimum public health safety standards sa evacuation centers upang hindi kumalat ang nakakahawang sakit.

Nagtalaga pa ng police assistance desks para sa mga bakwit.

Ayon kay Eleazar, ipinag-utos niya ang istriktong implementasyon ng police checkpoints para maiwasan ang pag-uwi ng mga residente sa kani-kanilang tahanan na nasa loob ng Permanent Danger Zone at iba pang restricted areas.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Ibinabala ng Phivolcs na patuloy na magbubuga ang Bulkang Taal ng volcanic sulfur dioxide.

TAGS: Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.