28 pang overseas Filipinos, positibo sa COVID-19; anim nasawi

May 28 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 5, nasa 20,909 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 95 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 7,289 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,377 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Anim naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,243 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,861 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,554 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 986 naman ang kaso sa Americas at 4,508 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...