French Embassy, nakiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa plane crash sa Sulu
Ikinalungkot ng French Embassy sa Manila ang pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu.
Bumagsak ang C-130 military aircraft ng Philippine Air Force (PAF) noong Linggo, July 4.
Nakiramay naman ang embahada sa pamilya ng mga biktima.
“The Embassy of France expresses its deepest condolences to the families of the victims, to the Armed Forces of the Philippines, and to the Filipino people,” pahayag nito.
Umaasa rin ang embahada sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa aksidente.
“Amid this particularly challenging and emotional time for the nation, France reiterates its solidarity with the Philippines and its armed forces,” dagdag nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.