Puganteng French na wanted dahil sa sexual abuse sa mga menor de edad, arestado sa Antipolo City

By Angellic Jordan July 05, 2021 - 05:43 PM

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang French national na wanted dahil sa pang-aabuso sa mga menor de edad.

Nahuli ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit ang puganteng si Pascal Didier Gillot, 53-anyos, sa bahagi ng A. Masangkay Street sa San Roque, Antipolo City.

Target si Gillot ng inilabas na Mission Order ni BI Commissioner Jaime Morente dahil sa pagiging banta nito sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

“We recently received information from French authorities that Gillot is wanted in France, and is the subject of a warrant of arrest for rape cases on children,” saad ni Morente.

Sa pagberipika sa mga record ng dayuhan, napag-alamang overstaying na rin ito.

Sa ngayon, nakakulong si Gillot sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig habang tinatapos ang kanyang deportation proceedings.

TAGS: BI operation, Inquirer News, Pascal Gillot, Radyo Inquirer news, sexual abuse, BI operation, Inquirer News, Pascal Gillot, Radyo Inquirer news, sexual abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.