Drug queen ng Bohol nahuli, P35 million halaga ng shabu kumpiskado

shabu
Inquirer file photo

Nadakip ng mga tauhan ng Tagbilaran City Police Station ang tinaguriang “Drug queen” ng Bohol sa isang buy bust operation sa lungsod.

Ang suspect na dinakip ay si Maida Quimson Jabines na nadakip sa isang lugar sa Brgy. Cogon sa Tagbilaran City.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, matagal na umanong subject ng anti-illegal drug operation ang naturang suspect pero madalas itong nakakatakas sa mga entrapment dahil na rin sa pagiging malapit niya sa ilang tauhan ng PNP sa lugar.

Kahapon ay nasa akto siyang nagbebenta ng 2.2 kilograms sa isang police asset nang bigla siyang posasan ng mga otoridad.

Sa follow-up operation sa kanyang bahay ay apat na mga pushers ni Jabines ang hinuli ng mga pulis.

Mahigit sa 25 gramo ng shabu at dalawang hindi lisensyadong mga baril ang nakuha sa mga suspects na sina Daryl Louis Quimson, Ruel Victor, Rosulo Ramaog at James Bonagales na nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ng drug pushing at illegal possession of firearms.

Read more...