PNP, inalerto ang mga pulis sa posibleng paggamit ng pekeng vaccination card

By Angellic Jordan July 05, 2021 - 05:09 PM

Valenzuela City government photo

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis na maging alerto sa posibleng paggamit ng pekeng vaccination card.

Maari kasi aniyang pagsamantalahan ng ilang indibiduwal kasabay ng pagpayag sa interzonal travel ng mga fully-vaccinated na.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maaring ipakita na lamang ang vaccination cards na magpapakita na nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines para sa interzonal travel.

“We will coordinate and work closely with the LGUs in enforcing this latest guideline. I am directing all police offices and units to be vigilant against those travelers who might use fake documents to prove that they are fully-vaccinated,” pahayag ni Eleazar.

“Kung ang resulta ng RT-PCR test ay pinepeke, hindi malayong may masasamang loob na gumamit din ng pekeng vaccination documents. Hindi natin ito dapat hayaang mangyari,” dagdag nito.

Paalala naman ni Eleazar sa mga biyahero na huwag maging kampante at sundin pa rin ang minimum public health safety standards.

Ani Eleazar, “Doblehin pa din natin ang pag-iingat sa COVID-19. Ang pagiging fully-vaccinated ay hindi pa din lubusang garantiya na hinding-hindi na tayo puwedeng magkaroon ng COVID-19.”

“Kailangan pa din ng mahigpit na pagsunod sa ating minimum public health safety standards gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay,” paliwanag pa nito.

Base sa huling resolusyon ng IATF, maikokonsidera ang isang tao bilang fully-vaccinated makalipas ang dalawa o higit pang linggo simula nang maturukan ng second dose ng bakuna.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, vaccination card, COVID-19 vaccination, Inquirer News, PNP chief Guillermo Eleazar, Radyo Inquirer news, vaccination card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.