Itinaas ang Lightning Red Alert sa NAIA bandang 4:28 ng hapon.
Patuloy kasing nakakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng naturang paliparan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ang airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng NAIA.
Nauna nang nagtaas ng lightning red alert dakong 1:03 ng hapon at ibinaba sa yellow alert bandang 1:26 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES