Modernisasyon ng PAF, isusulong sa Kamara

July 05, 2021 - 04:50 PM

Nangako si Speaker Lord Allan Velasco na isusulong ng Kamara ang modernisasyon ng Philippine Air Force.

Kasunod ito ng pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu noong Linggo, July 4, kung saan 45 military personnel at aircarft crew ang nasawi.

Tiniyak ni Velasco na ipapabilang ng Mababang Kapulungan sa 2022 national budget ang modernisasyon ng PAF.

Kasama aniya rito ang mga aircraft at mga pagsasanay ng mga tauhan sa paghawak ng mga modernong kagamitan.

Hinimok naman ng Speaker ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa aksidente para hindi na maulit ang mga katulad na pangyayari.

Pinare-review din ni Velasco sa PAF ang protocols sa mga piloto at ipinasisilip ang kaligtasan ng runways sa buong bansa, partikular sa mga probinsya.

Nakiramay din si Velasco sa mga pamilyang naulila ng mga nasawi sa insidente.

TAGS: 18th congress, C-130 crash, Inquirer News, Lord Allan Velasco, PAF plane crash, Radyo Inquirer news, 18th congress, C-130 crash, Inquirer News, Lord Allan Velasco, PAF plane crash, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.