Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (July 5), pumalo na sa 1,441,746 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 51,594 o 3.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,392 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsyento ang asymptomatic; 1.57 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 25,192 o 1.75 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,477 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,364,960 o 94.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.