Sa 196 pahinang desisyon ng Sandiganbayan Special First Division, napawalang-sala ang senador sa 16 bilang ng kasong graft.
Sinuportahan ng korte ang “demurrer to evidence” ng kampo ni Revilla matapos mapatunayang walang sapat na ebidensya ang prosekusyon laban dito.
Ibinasura naman ang “demurrer to evidence” na inihain ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles dahil bukod sa walang bago ay puro rehash lamang ang mga argumento.
Pirmado nina Associate Justices Geraldine Faith Econg, Rafael Lagos at Edgardo Caldon ang naturang desisyon.
MOST READ
LATEST STORIES