Presyo ng sa gasolina, krudo tataas uli bukas

Hindi pa napuputol ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.

Bukas ay dadagdagan ng Shell, Seaoil at Petro Gazz ng P0.10 at P0.60 ang presyo ng kada litro ng kanilang krudo at gasolina.

Samantalang, tatapyasan ng Shell at Seaoil ng P0.5 ang bawat litro ng kanilang kerosene o gaas.

Ngunit ang Cleanfuel ay babawasan ng P0.60 ang halaga ng kada litro ng kanilang gasolina, samantalang hindi gagalawin ang presyo ng diesel.

Magsisimula ang paggalaw ng presyo ng mga nabanggit na produkto ng Shell, Seaoil at Petro Gazz ala-6 ng umaga, samantalang alas-4:01 ng hapon naman sa Cleanfuel.

Inaasahan na susunod ang iba pang kompaniya ng langis.

Read more...