Duterte bumuwelta, Trillanes tinawag na sinungaling at duwag

By Den Macaranas April 23, 2016 - 02:02 PM

duterte-trillanes-620x343
Inquirer file photo

Sa isang political sortie sa Pandacan sa Maynila ay sinagot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa nakaluhod na suspect na umano’y kanyang binaril sa ulo.

Sinabi ni Duterte na hindi niya personal na kakilala si Trillanes at dalawang beses lamang niya itong nakaharap dahil humihirit umano ang mambabatas na maging running mate niya sa eleksyon.

Ayon kay Duterte, hindi niya pinagbigyan si Trillanes dahil hindi niya gusto ang pagkatao nito bilang isang nagpa-panggap na bayani pero sumusuko naman sa laban.

Dagdag pa ni Duterte, “I know the purpose. Para nasa news siya, baka sakali manalo siya, nag-usap kami gusto niya maging presidente sa akin, at vice ako, hindi ka pwede, madumi ang record mo. Sa militar, pinag-iinsulto mo pa yung mga heneral”.

Tinawag din ni Duterte na duwag si Trillanes dahil mas pinili pa nito ang sumuko imbes na makipag-sabayan sa mga kalaban noong ilunsad nila ang dalawang kudeta sa ilalim ng Arroro administration.

Si Trillanes din ang sinisisi ni Duterte kung bakit nagpakamatay si dating Sec. Angelo Reyes na umano’y biktima ng pambu-bully sa Senate hearing.

TAGS: 2016, duterte, Pangulo, reyes, trillanes, 2016, duterte, Pangulo, reyes, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.