Death toll sa Sulu C-130 crash umakyat sa 50; mga labi ng 5 nawawalang sundalo narekober
Retrieval operations na ang ginagawa ng AFP sa bumagsak na C-130 transport plane sa Patikul, Sulu.
Ito ang ibinahagi ni Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP, matapos marekober na ang mga labi ng lima pang sundalo na unang napa-ulat na nawawala.
Sa ngayon, 50 na ang opisyal na bilang ng mga nasawi sa trahedya, kasama ang tatlong sibilyan na nasawi sa pinagbagsakan ng eroplano.
May 49 sundalo at apat na sibilyan ang nailigtas at 32 sa kanila ang ginagamot sa ospital.
Karamihan sa mga sundalong sakay ng eroplano ay katatapos lang mag-training at dapat ay idadagdag sila sa puwersa ng Army 11th Infantry Division.
Sinabi ni Arevalo na beterano ang mga piloto ng bagong biling C-130 Hercules sa katunayan aniya ay kabilang sila sa nagde-deliver ng mga gamit para sa paggamot ng COVID 19 patients sa ibat-ibang dako ng bansa.
Nabanggit din ng opisyal na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa paglagpas ng military plane sa runway
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.