P100 Million na halaga ng shabu kumpiskado sa QC

By Den Macaranas April 23, 2016 - 12:44 PM

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Umaabot sa 20 kilos ng high-grade shabu na may street value na aabot sa P100 Million ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police sa anim na miyembro ng isang pamilya sa Queozn City.

Sa panayam sinabi ni NCRPO Director Joel Pagdilao na nakuha nila ang nasabing iligal na droga sa mga suspects na miyembro ng balacuit family sa isang anti-illegal drug operation sa kahabaan ng Tomas Morato sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Nagpanggap umanong buyer ang ilan sa kanyang mga tauhan na bibili ng limang kilong shabu sa mga suspect.

Nang i-abot sa kanila ang limang kilong shabu ay kaagad nilang hinuli ang mga suspects na hindi na nagawang makatakas pa.

Nang halughugin ng mga pulis ang sasakyan na dala ng mga suspects ay nakita pa doon ang karagdagang labing-limang kilo ng shabu.

Sa kabuuan sinabi ni Pagdilao na umaabot na sa 117 kilograms ng shabu ang kanilang nakumpiska mula noong buwan ng Enero kung saan 1,400 na mga pushers na rin ang kanilang nahuli na bahagi ng intensified anti-drug operations ng NCRPO. / Den

TAGS: NCRPO, Pagdilao, quezopn city, shabu, NCRPO, Pagdilao, quezopn city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.