Ito ang sinabi ni Sen. Leila de Lima matapos magbilin si Pangulong Duterte sa publiko na ikunsidera na siyang vice presidential candidate.
Pagdidiin ni de Lima walang kinikilalang posisyon ang ICC kayat kahit maging bise-presidente ng bansa si Pangulong Duterte ay matutuloy ang paglilitis sa kanya kaugnay sa libo-libong napatay sa pagkasa ng ‘war on drugs’ ng administrasyon.
“Fat chance. The ICC does not recognize either immunity or impeachability in going after criminals. Its jurisdiction is comprehensive in that way. So if impeachability does not protect Duterte from the ICC, why still bother to even become VP? He is still going to be arrested and dragged in chains to The Hague anyway,” dagdag ng senadora.
Sinabi pa ni de Lima na sakaling iboto si Pangulong Duterte sa 2022 elections ito ay dahil lamang sa ‘entertainment value’ sa katuwiran niya na mahilig ang mga Filipino sa mga komedyante.
“They think politics is a cheap kind of entertainment, the same sort provided by Duterte, not knowing it is at their expense. They forget we pay the salaries and perks of office of these incompetent clowns with our taxes. So, another six years of Duterte the clown this time as VP will be another expensive six-year franchise we have to pay for in case Duterte, God forbid, does indeed become VP,” dagdag pa nito.