DOTr hinimok ang mga drayber, konduktor na makiisa sa pagsugpo ng korapsyon

By Angellic Jordan July 03, 2021 - 08:25 PM

DOTr photo

“Labanan natin ang korapsyon.”

Ito ang naging pahayag ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa paghimok sa mga drayber at konduktor na makiisa sa gobyerno sa pagsugpo ng korapsyon at pagtukoy ng mga personalidad na gumagawa ng katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO).

Kung may alam na korapsyon, sinabi ng kalihim na ibigay sa kanya ang pangalan, at detalye.

“Titingnan ‘ho natin ‘yan. Babanatan natin ‘yan. Ayaw po ng Presidente ng korapsyon, ayaw ko rin ng korapsyon,” ani Tugade.

“Sa apat na taon ‘ho namin dito, mahigit dalawang-daan na ang aming tinanggal, hindi lang ‘ho sa LTO at LTFRB, kundi sa pangkalahatang Kagawaran ng Transportasyon. Hindi lang po empleyado, kundi maging direktor o opisyales. Kaya ‘ho ba naming mag-isa? Hindi ‘ho. Kailangan namin kayo,” sinabi ng kalihim sa transport groups.

Binanggit din ng kalihim sa dayalogo na ginanap sa Bacoor, Cavite ang mga benepisyo ng iba’t ibang programa ng kagawaran tulad ng Service Contracting, Tsuper Iskolar, at Public Utility Vehicle Modernization.

Inihayag ni Bacoor Mayor Lani Revilla na si Tugade ang unahang kalihim na dumalaw at nakipag-dayalogo sa lungsod ng Bacoor.

“Kaya ‘ho ako nakipag-dayalogo sa inyo ngayon, upang maramdaman ko ang inyong damdamin, upang marinig ko ang inyong nga hinaing. So that, kung kaya kong solusyonan ‘yan, su-solusyonan ko ‘yan, upang magkaroon kayo ng pag-asa sa buhay. ‘Pagkat ‘yung solusyon na ‘yun ay makaka-igi sa inyong pamumuhay, makaka-igi rin sa aming mandato bilang gobyerno,” pahayag ni Tugade.

Maliban dito, nag-inspeksyon din ang kalihim sa itinatayong LTO District Office sa Bacoor, kasama si Mayor Lani Revilla.

TAGS: Art Tugade, Arthur Tugade, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Art Tugade, Arthur Tugade, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.