Telcos inatasan ng NTC na maging handa sa pag-alburuto ng Bulkang Taal
By: Chona Yu
- 3 years ago
Pinatitiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kahandaan ng mga telco sa kasagsagan ng aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, pinatitiyak nitong handa ang sapat na bilang ng technical at support personnel ng mga telco.
Pinatitiyak din ng NTC na mayroong naka-standby na generators at iba pang kagamitan sa mga lugar na apektado at maaring maaapektuhan pa ng pag-aalburuto ng bulkan.
Ayon kay Cordova, dapat ding magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga evacuation sites ng Provincial Government ng Batangas.
Paalala ni Cordova sa mga telco, dapat din silang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa ipinatutupad na health ang safety protocols.