Telcos inatasan ng NTC na maging handa sa pag-alburuto ng Bulkang Taal

By Chona Yu July 04, 2021 - 08:56 AM
Pinatitiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kahandaan ng mga telco sa kasagsagan ng aktibidad ng Bulkang Taal. Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordova, pinatitiyak nitong handa ang sapat na bilang ng technical at support personnel ng mga telco. Pinatitiyak din ng NTC na mayroong naka-standby na generators at iba pang kagamitan sa mga lugar na apektado at maaring maaapektuhan pa ng pag-aalburuto ng bulkan. Ayon kay Cordova, dapat ding magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga evacuation sites ng Provincial Government ng Batangas. Paalala ni Cordova sa mga telco, dapat din silang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa ipinatutupad na health ang safety protocols.

TAGS: Bulkang Taal, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordova, telco, Bulkang Taal, NTC, NTC Commissioner Gamaliel Cordova, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.