May bagong pasabog si Senador Manny Pacquiao kaugnay sa nagaganap na korupsyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na ibinunyag ni Pacquiao ang pamamahagi ng social amelioration program na idinaan sa e-wallets.
Ayon kay Pacquiao, ang Starpay na isang e-wallet application ay ginamit ng Department of Social Welfare and Development sa pamamahagi ng SAP.
Pero ayon kay Pacquiao, kahit naipamahagi na ang SAP, hindi nakumpleto ang payouts.
Ayon kay Pacquiao, P207. 6 bilyon ang inilaan para sa pangalawang SAP.
Pero tanong ni Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte kung alam ba nitong naglaan ang DSWD ng P50 bilyon para sa e-wallet na Starpay.
Sinabi pa ni Pacquiao na sa 1.8 milyong benepisyaryo ng SAP sa e-wallet, 500,000 lamang ang nakatanggap ng ayuda.
Bukod sa DSWD, ibinunyag din ni Pacquiao na apektado rin ng korupsyon ang Department of Health at Department of Energy.