Dinagat Islands nasa crisis level dahil sa COVID-19

Nasa crisis level na ngayon ang Dinagat Islands dahil sa mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Jillian Lee, ang Provincial Health Officer ng Dinagat Islands, na sa ngayon 80 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Aminado si Lee na kulang ang doktor at pasilidad sa isla.

Sa kabuuan, nasa 1,094 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Dinagat Islands.

Sa naturang bilang, 964 ang naka-rekober habang 50 ang nasawi.

Nabatid na 20 lamang ang doktor sa isla habang nasa 127,000 ang kabuuang populasyon.

“Prior to that time kasi nagre-require kasi ang province ng mandatory quarantine para sa lahat ng mga taong papasok sa probinsiya ng Dinagat Islands. So, since alam namin na limited lang ang aming capabilities, kami ay isang island province, 127,000 ang population sa buong probinsiya, wala kaming ospital. Ngayon lang kami nagkaroon ng x-ray, ini-install pa lang. 20 lang ang doktor sa buong probinsiya. Last year, mas kaunti iyan 15 lang sila last year. So, very limited ang capability ng health system ng Province of Dinagat Islands mag-deal sa isang surge ng cases ng COVID-19,” pahayag ni Lee.

 

 

Read more...