8 miyembro ng pamilya minasaker sa magkakahiwalay na bahay sa Ohio USA

By Den Macaranas April 23, 2016 - 10:49 AM

ohio-shootings
nypost

Patay ang walong miyembro ng isang pamilya sa magkakahiwalay na bahay sa Ohio sa USA.

Sa ulat ni Ohio Attorney General Mike Dewine, natuklasan sa magkakahiwalay na bahay ang mga biktima na pawang mga miyembro ng Rhoden Family.

Sinabi ni Piketon County Sheriff Charles Readers na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng ganoong uri ng pamamaslang sa lugar na tahanan ng halos ay dalawang libo katao.

Kilala umano ang Piketon bilang isa sa may pinakamababang crime rate sa buong Ohio.

Kabilang sa mga pinatay ang isang 16-year old na batang babae na sinasabing binaril sa ulo habang natutulog tulad ng ginawa sa iba pang miyembro ng pamilya.

Nakita ang bangkay ng walong mga biktima sa tatlong magkakahiwalay na mga bahay samantalang hindi naman ginalaw ng mga salarin ang mga batang kaanak ng mga biktima na may mga edad apat, anim at walong taong gulang.

Isa sa posibleng motibo sa krimen ay paghihiganti ayon sa mga imbestigador ng Piketon County.

Nagsagawa na rin ng lockdown sa buong Piketon sa pag-asang hindi pa nakalalayo sa crime scene ang suspect o mga suspects sa krimen.

TAGS: massacre, ohio, rhoden family, usa, massacre, ohio, rhoden family, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.