Pagbabakuna sa 22 na vaccination sites sa Maynila, nagpapatuloy
Dagsa ang mga bakuna kontra COVID-19 ngayong araw, July 3 sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nabigyan na kasi ng certificate of analysis ang mga bakunang binili ng lungsod.
Matatandaang aabot sa 400,000 doses ng Sinovac vaccines ang binili ng Maynila sa pamamagitan ng tripartite agreement.
Ngayong araw, July 3, tig 3,000 doses ang nakalaan sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, Sm Manila at SM Lazaro.
Tig 1,500 doses naman ang nakalaan sa Isabelo delos Reyes Elementary School, Emilio Jacinto Elementary School, Vicente Lim Elementary School, President Sergio Osmena High School, Francisco Benitez Elementary School, Plaridel Elementary School, Andres Bonifacio Elementary School, Pedro Guevarra Elementary School, Juan Sumulong Elementary School, Holy Trinity Academy, Ramon Magsaysay High School at Moises Salvador Elementary School.
Naglaan din ang lungsod ng tig 1,500 na doses ng bakuna sa Rafael Palma Elementary School, Justo Lucban Elementary School, Aurora Quezon Elementary School, Jacinto Zamora Elementary School, Sta. Ana Elementary School at sa EARIST.
Nagsimula ang pagbabakuna kaninang 6:00 ng umaga at tatagal hanggang mamayanng 8:00 ng gabi.
Paalala ni Mayor Isko sa mga magpapabakuna, dalhin ang printed waiver at QR code para sa verification, ID, magsuot ng face mask at face shield.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.