Pacquiao may pasabog ukol sa katiwalian ngayong weekend

By Chona Yu July 02, 2021 - 04:52 PM

May gagawing pasabog si Senador Manny Pacquiao laban sa administrasyon bago tumulak papuntang Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing ngayong weekend.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang, pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado ukol sa umanoy korupsyon sa pamahalaan.

Desidido aniya si Pacquiao na isiwalat ang katiwalian dahil kumpleto siya sa ebidensya.

Sinabi umano sa kanya ni Pacquiao na hindi siya magsasalita kung walang hawak na ebidensya.

Ayon kay Lacson, pinagsabihan umano sila ni Sotto ni Pacquiao na marami siyang bala laban sa administrasyon.

Magtutungo sa Amerika si Pacquiao ngayong weekend para paghandaan ang laban kontra kay Errol Spence Jr. sa August 21 sa Les Vegas, Nevada.

 

 

TAGS: Errol Spence, manny pacquiao, panfilo lacson, Errol Spence, manny pacquiao, panfilo lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.