6192 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

By Chona Yu July 02, 2021 - 04:43 PM

Aabot sa 6,192 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Batay sa talaan ng Department of Health, nasa 1,424,518 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 55,482 ang active cases kung saan  91.5% ang mild, 3.8% ang asymptomatic, at 2.0% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kalagayan.

Aabot naman sa 177 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan nasa 24,973 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

 

TAGS: active cases, COVID-19, doh, active cases, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.