Globe Telecom nag aalok ng libreng tawag, WiFi sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal

By Chona Yu July 02, 2021 - 11:52 AM

 

Nag-aalok ng libreng tawag, charging at WiFi ang kompanyang Globe Telecom para sa mga residenteng apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at Senior Vice President Corporate Communications ng Globe, matatagpuan ang libreng tawag, charging at WiFi sa Malabanan Elementary School sa Brgy. Malabanan, Balete Batangas.

Available ang libreng tawag mula July 2 hanggang July 4 ng 9:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga at 1:30 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.

May nakaantabay na teknikal at support personnel ang Globe pati na ang mga generators para matiyak na mananatili ang mga serbisyo sa komunikasyon kahit mawalan ng kuryente.

May nakahanda na ring relief packs ang Globe sa pakikipag-tulungan ng Rise Against Hunger (RAH).

Nabatid na ang RAH ay isang matagal nang partner ng Globe sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain sa mga taong apektado ng kalamidad.

Mahigit 1,000 na kagamitan ang ipinamahagi ng Globe sa mga evaccues. Kabilang na ang mga kumot, bedsheets, unan, twalya, electric kettle, lampara, at iba pa.

“Patuloy ang pagsuporta ng Globe sa pamahalaang lokal at pambansa, lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tawag, charging at WiFI, sana ay makatulong kami sa mga naapektuhan ng mga mabibigat na mga pangyayaring ito,” pahayag ni Crisanto.

Pinapayuhan din ng telco ang mga apektadong residente na manatili sa loob ng bahay maliban kung kinakailangang lumikas, magtabi ng sapat na pagkain, mag-imbak din ng tubig, ihanda ang mga face mask, first aid kits at ekstrang baterya para sa flashlight, at i-charge ang mga cellphones.

 

TAGS: Bulkang Taal, globe telecom, libreng tawag at WiFi, Malabanan Elementary School, Yoly Crisanto, Bulkang Taal, globe telecom, libreng tawag at WiFi, Malabanan Elementary School, Yoly Crisanto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.