Globe telecom inalerto ang publiko sa malawakang identity theft scam

By Den Macaranas April 23, 2016 - 10:12 AM

Globe TelecomNakiisa na rin ang telecom giant na Globe sa pagbibigay ng paalala sa publiko may kinalaman sa banta ng indentity theft at social engineering attacks kaugnay sa naganap na hacking sa website ng Comelec na naglalaman ng impormasyon ng halos ay 55 Milyong mga botante.

Sa kanilang pahayag, sinabi ni Anton Bonifacio, Globe Telecom Information Security Chief na nagpapatupad na rin sila ng mahigpit na seguridad para sa kanilang mobile services.

Sa mga nag-aaply ng linya, nag-upgrade na ang Globe sa pag-check sa mga impormasyon na isinusumite ng kanilang mga subscribers.

Pinag-iingat din nila ang publiko sa mga humihingi ng mga impormasyon na may kinalaman sa birthdate, maiden name ng aplikante o ng miyembro ng kanyang pamilya at security verification sa ibat-ibang mga mobile at online subscriptions.

Ipinaliwanag din ni Bonifacio na nagpapatupad na ang Globe Telecom ng two-factor authentication tulad ng pagpapada ng SMS code at verification code para sa kanilang mga online services.

Nauna dito ay sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na posibleng nakompromiso ang mga impormasyon ng publiko na nakasulat sa halos ay 55 Million voters’ information sa na-hacked na website ng Comelec.

TAGS: comelec, globe telecom, hacking, identity theft, comelec, globe telecom, hacking, identity theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.