Multi-sectoral group na magsusulong ng kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno magtitipun-tipon sa UP-Diliman

By Chona Yu July 02, 2021 - 07:59 AM

Alas otso ngayong umaga, July 2,  ay magtitipon sa UP-Diliman sa Quezon City  ang civil society organizations, religious groups, academe, fraternities, transport organization at mga dating local officials, upang hikayatin si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbong pangulo sa darating na 2022 presidential elections.

Kasabay nito ay ilulunsad ng grupo ang “Ikaw Muna Pilipinas Movement” na kinabibilangan ng multi-sectoral group na manggagaling sa Metro Manila, Rizal at Cavite.

Pangungunahan ang nasabing pagtitipon ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA)  general manager at “Ikaw Muna Pilipinas”  Lead Convenor Tim Orbos.

Kabilang sa inaasahang  magpapahayag ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa ang Constitutionalist at Dean of Graduate School of Law ng San Beda College na si Fr. Ranhilio Aquino.

Sa nasabing pagtitipon ipapahayag ng grupo ang kanilang mga naging basehan kung bakit naniniwala silang si ‘Yorme’ ang karapat-dapat na susunod na maging pangulo ng Republika ng Pilipinas sa sandaling  napag-desisyunan na nitong kumandidato para sa 2022 elections.

 

TAGS: 2022 Presidential elections, Fr. Ranhilio Aquino, Ikaw Muna Pilipinas Movement, Lead Convenor Tim Orbos, Mayor Isko Moreno, UP diliman, 2022 Presidential elections, Fr. Ranhilio Aquino, Ikaw Muna Pilipinas Movement, Lead Convenor Tim Orbos, Mayor Isko Moreno, UP diliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.