Alert Level 3 itinaas sa Bulkang Taal, Phivolcs nagrekomenda ng evacuation

By Jan Escosio July 01, 2021 - 04:41 PM

SCREEN GRAB / PHIVOLCS VIDEO

Nagbabanta na muling pumutok ang Bulkang Taal kayat itinaas na ng Phivolcs ang Alert Level 3.

Ayon sa Phivolcs nakapagtala ng isang maigsing maitim na phreatomagmatic plume na may taas na isang kilometro alas-3:16 ngayon hapon bagamat hindi naman nagkaroon ng volcanic earthquake.

Paliwanag ng ahensiya, nangangahulugan na may nagaganap na magmatic intrusion sa Main Crater na maaring magresulta sa pagsabog.

Bunga nito, inirekomenda ng ahensiya na ilikas ang mga nasa mismong bulkan, gayundin ang mga tinukoy na high risk barangays sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo dahil sa posibleng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

Paalala pa ng ahensiya, ang buong Volcano Island ay permanent danger zone at ipinagbabawal ang pagpasok sa natukoy na high risk areas sa dalawang nabanggit na bayan.

Pinag-iingat din ang mga nakatira sa mga komunidad na nasa paligid ng Taal Lake sa mga posibleng mangyari kasama na ang pagbabago sa tubig dahil sa muling pagliligalig ng bulkan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.