Pagkulelat ng Pilipinas sa Math, Reading at Science subjects ikinabahala ng Palasyo

By Chona Yu July 01, 2021 - 01:30 PM

Naalarma ang Malakanyang sa ulat ng World Bank na nangungulelat na ang Pilipinas sa Mathematics, Reading at Science.

Pagtitiyak na lang ni Presidential spokesman Harry Roque na kikilos si Education Sec. Leonor Briones para mabigyan solusyon ang isyu.

Dagdag pa ni Roque isa sa maaring gawin ng DepEd ay pag-aralan ang mga maaring gawing hakbang para mabago ang curriculums dahil sa inaasahan na pagpapatuloy ng blended learning system dahil sa pandemya.

Binanggit din nito na nabibigyan naman din ng sapat na nutrisyon ang mga mag-aaral.

Base sa inilabas na datos ng World Bank, sa 79 bansa, pang-78 ang mga Filipinong mag-aaral kapag nalalaman sa Math, Science at pagbabasa ang pag-uusapan.

Bukod dito, lumabas na isa sa bawat mag-aaral sa bansa ay hindi marunong magbasa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.