Pamilya ng medical frontliners, senior citizens sa Maynila sinimulan nang bakunahan

By Chona Yu July 01, 2021 - 10:42 AM

MANILA PIO PHOTO

Umarangkada na ngayong araw ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga miyembro ng pamilya ng mga nasa A1 priority list o ang mga health care workers sa lungsod ng Maynila.

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kasama rin sa mga babakunahan ngayong araw ang mga miyembro ng pamilya ng mga nasa A2 priority list o mga senior citizen.

 

Isasagawa ang pagbabakuna sa Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio Hospital, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo, na mayroong tig-1,000 doses.

 

Tuloy din ang pagbabakuna ngayong araw sa mga overseas Filipino workers sa Manila Prince Hotel sa United Nations Avenue at San Marcelino St, Ermita, Manila.

 

Ipinagbabawal na muna ng lungsod ng Maynila ang walk-in.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.