Pangulong Duterte dadalo sa pagbubukas ng LRT-Line 2 East Extension
Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng LRT – Line 2 East Extension Project sa Antipolo City mamayang hapon.
Makakasama ni Pangulong Duterte sina Transportation Sec. Arthur Tugade at LRTA Administrator Reynaldo Berroya.
Nabatid na personal din sisiyasatin ng Punong Ehekutibo ang mga tren.
Dahil sa natapos na ang P1.1 bilyong proyekto, madadagdagan ng higit 3.7 kilometro ang linya ng LRT Line 2, na may biyahe mula Recto sa Maynila hanggang sa Antipolo City.
Nadagdagan ng dalawang istasyon ang LRT Line 2, ang Marikina – Pasig at Masinag sa Antipolo.
Inaasahan na ang biyahe mula Recto hanggang Masinag ay tatagal lamang ng 30 – 40 minuto kumpara sa halos tatlong oras sa pagsakay sa bus o jeep.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.