Iniulat ng ByteDance, ang may-ari ng TikTok app, na tinanggal nila ang higit pitong milyong accounts ng users na pinaniniwalaang nasa edad 13 pababa sa unang tatlong buwan ng taon.
Bukod dito, tinanggal din nila ang halos 62 milyong videos na sinasabing naglalaman ng kalaswaan, harassement, galit at banta sa kaligtasan ng mga menor de edad.
Ayon sa ByteDance ang mga ito ay itinuturing na paglabag sa ‘community standards.’
Ipinaliwanag din ng kompaniya na may mga ginamit silang pamantayan para mabuko na ‘underage’ ang users ng mga pinaghinalaan nilang accounts.
Tinatayang may halos isang bilyon sa buong mundo ang may TikTok account at higit 100 milyon sa kanila ay nasa US.
Una nang ipinagbawal ni dating US President Donald Trump ang TikTok sa kanilang bansa, ngunit binawi ito pag-upo ni US President Joe Biden