Chinese Coast Guard nagdagdag ng pwersa sa Panatag shoal

By Den Macaranas April 23, 2016 - 09:54 AM

Scarborough-Reef2Aminado ang Department of National Defense na dumarami ang natatanggap nilang mga sumbong kaugnay sa madalas na pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough o Panatag shoal.

Ang Scarborough shoal ay 260 kilomenters lamang ang layo mula sa Infanta Pangasinan na pasok sa exclusive economic zone ng bansa.

Sinabi ni DND spokesman Peter Galvez na mula sa dating dalawa ngayon ay limang mga barko na ng China ang regular na nagbabantay sa lugar.

Nauna dito, iniulat na nakipag-batuhan sa mga barko ng Chinese Coast Guard ang ilang mga mangingisda makaraan silang itaboy ng mga ito.

Sa kanilang pagmomonitor ay sinabi ng Philippine Coast Guard na magdaragdag na rin sila ng tauhan sa lugar para gabayan ang mga mangingisdang Pinoy.

Pati ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nagpahayag na rin ng pagkabahala makaraan nilang mamonitor ang pagpasok ng mga Chinese poachers sa Panatag shoal.

TAGS: DND, panatag, philippine coast guard, scarborough, West Philippine Sea, DND, panatag, philippine coast guard, scarborough, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.