PAGASA: Low pressure area pumasok sa Philippine area of responsibility

By Jan Escosio July 01, 2021 - 08:53 AM

Pumasok kaninang madaling araw sa Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area ng PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa distansiyang 1,365 kilometro silangan ng extreme Nortern Luzon.

Ngunit hindi inaasahan ng PAGASA na lalakas ang LPA sa susunod na 24 oras bagkus inaasahan pa ito na malulusaw sa susunod na 48 oras.

Magiging maulap naman sa Metrio Manila at iba pang bahagi ng bansa sa maghapon bagamat maaring magkaroon ng pag-ulan bunga ng habagat.

Posible rin na bahagyang maging maalon sa mga baybayin sa buong bansa.

Una nang inihayag ng PAGASA na ngayon buwan ng Hulyo ay maaring pumasok ang isa hanggang tatlong bagyo sa PAR.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.