Walang reklamo kay Health Sec. Duque – Anti-Corruption Task Force
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang natanggap na anumang reklamo ang Task Force Against Corruption (TFAC) laban kay Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa pangunguna nito sa laban ng gobyerno kontra COVID 19.
Ibinahagi ito ni Guevarra, kasunod na rin ng hamon ni Sen. Manny Pacquiao na maimbestigahan si Duque at DOH sa kanilang paggasta sa pondo para tugunan ang pandemya.
Ayon pa kay Guevarra ang tanging reklamo kay Duque ay may kinalaman sa Dengvaxia at sinasabing Philhealth fund scandal.
Wala aniyang reklamo laban sa DOH partikular na sa paggamit ng pondo ngayon may pandemya.
Matapos hamunin ni Pangulong Duterte na pangalanan ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon, binanggit ni Pacquiao si Duque at ang DOH.
“Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, PPE, masks at iba pa,”sabi ni Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.