House panel pinabubuksan sa BuCor ang isinarang kalsada sa Muntinlupa City

By Jan Escosio June 30, 2021 - 05:32 PM

Pinaniniwalaang nakapuntos ang pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa sa isinagawang unang pagdinig sa Kamara kaugnay sa reklamong pagpapasara ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kalsada na patungo sa isang komunidad.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, iginiit ni BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag na may ‘proper coordination’ sa lokal na pamahalaan ang ginawa nilang pagpapasara ng Insular Road.

Ang kalsada ay nasa BNP Reservation kayat itinuturing na nasa teritoryo ng BuCor.

Ngunit, iginiit ni Mayor Jaime Fresnedi na walang naging koordinasyon sa kanila ang BuCor.

“Yung sinasabi ni Director Bantag na coordination, they notified the local government of the closure of Insular Road, wala pong katotohanan ‘yun. I vehemently deny, as far as the blocking of the road is concerned, there wasn’t any communication on this matter,” giit ni Fresnedi.

Sinabi naman ni Barangay Poblacion Capt. Allen Ampaya sa sulat na ipinadala sa kanila ng BuCor noong Marso 18, walang nabanggit na pagpapasara  ng nabanggit na kalsada, kundi pansamantala lang na hindi ito madadaanan ng tao at motorista ng dalawang araw.

Ibinahagi naman ni Jap Landingan, ang namumuno sa Southville Group 3, marami sa kanika ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pagpapasara ng kalsada.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso III, ang namumuno sa komite, lumabas din mula sa pahayag ng DPWH na ang naturang kalsada ay itinuturing na national road kayat hindi ito pag-aari ng BuCor at ang pagpapasara ay paglabag sa batas.

“Let it be a warning, kapag hinarangay niyo pa yan, hindi niyo giniba yan puwede kayong kasuhan sa Ombudsman, aakyat yan sa Sandiganbayan for violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” bilin ni Velasco, na dating mahistrado sa Court of Appeals.

Ikinalugod naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang posisyon ni Velasco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.