Pulis nga hindi madisplina, mga sibilyan pa! – Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio June 30, 2021 - 09:58 AM

Binatikos ni Senator Leila de Lima ang ideya ni Pangulong Duterte na mapadali ang pagkakaroon ng baril ng mga sibilyan para makatulong sa kampaniya kontra kriminalidad.

Katuwiran ni de Lima, malaking hamon na ang pagtuturo ng mga batas sa mga pulis.

Ipinaalala niya ang mga kaso ng pagpatay ng mga abusadong pulis sa mga walang kalaban-laban na sibilyan sa pagtatanong  na, “ilang trigger-happy na pulis na ba ang basta-basta na lang namaril?

“Ang laking problema na nga na ituro yung tamang batas sa kapulisan natin, gusto pa natin isama sa kaguluhan ang mga pribadong mamamayan,” diin nito.

Diin pa niya kung hindi kayang kontrolin at disiplinahin ng pamunuan ng PNP ang kanilang mga sariling tauhan, mas imposible na magagawa nilang kontrolin ang mga armadong sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.