Kapalpakan sa vaccination rollout sa ilang LGUs hiniling ni Sen. Tito Sotto na maimbestigahan
Pinuna ni Senate President Vicente Sotto III ang mga insidente ng kapalpakan sa ikinakasang vaccination rollout sa ilang lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito, hiniling ni Sotto sa Inter Agency Task Force (IATF) na imbestigahan ang mga kontrobersiya.
“There are similar complaints from others in other LGUs. The IATF should investigate and exercise sanctions,” sabi ni Sotto.
Kaugnay ito sa naging viral video sa social media na hindi naiturok ng isang volunteer health workers ang COVID 19 vaccine sa isang lalaki sa Makati City.
Nagbahagi si Sotto ng isa pang video ng katulad na insidente, na pinaniniwalaang nangyari naman sa Mandaluyong City.
Nabanggit niya na may impormasyon siya na maging sa Quezon City ay may mga nangyaring insidente at aniya ang mga ito ay hiniling na niya sa kanyang anak, si QC Vice Mayor Gian Sotto, na maimbestigahan din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.