Presidential race balik 4-way fight sa pagbaba ng ratings ni Duterte
Makaraang bumaba ang ratings ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, balik sa 4-way fight ang presidential race ilang araw bago ang halalan sa Mayo 9.
Ipinaliwanag ni Issues and Advocacy Center (The Center) executive director Ed Malay na maituturing na statistically tied sina Duterte na mayroong 26.75 percent, Sen. Grace Poe na nakakuha ng 26.25 percent at Vice-President Jejomar Binay na mayroong 23.25 percent.
Sinabi ni Malay na hindi rin malaki ang lamang ng tatlo kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas na nasa ika-apat na pwesto sa kanyang 20.75 percent.
Sa isinagawang non-commissioned at independent Pulso ng Pilipino pre-election survey sa pagitan ng April 11 hanggang 16, sinabi ni Malay na malaki ang naging epekto ng rape joke ni Duterte sa kanyang ratings.
Ipinaliwanag ni Malay na mas apektado si Duterte ng kanyang rape joke kumapara sa ginawa niyang pagmumura kay Pope Francis sa simula ng kanyang pangangampanya.
Dahil sa maituturing na statistically tied ang mga presidentiables, sinabi ni Malay na malaking bagay dito ang political machineries ng mga kandidato.
Ilang araw bago ang mismong araw ng halalan, ipinaliwanag ng pinuno ng The Center na dito na magkaka-alaman kung sino ang may kakayahang ma-maintain ang momentum ng kanilang pangangampanya.
Lamang sa ganitong laban ang may malawak na makinarya tulad nang nangyari noong 1992 elections kung saan kakaunti lamang ang naging lamang ni dating Pangulong Fidel Ramos na siyang administration candidate sa kanyang mga nakalaban.
Sa mga tumatakakbo sa vice-presidential race, lalong lumobo ang lamang ni Sen. Bongbong Marcos sa kanyang mga kalaban sa pamamagitan ng kanyang 29 percentage points.
Sinundan ito ni Congresswoman Leni Robredo na merong 25 percent at nasa ikatlong pwesto si Sen. Chiz Escudero na mayroong 23 percent.
Nakakuha si Sen. Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 15 percent, si Sen. Gringo Honasan ay mayroong 4 percent samantalang 3 percent naman kay Sen. Antonio Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.